Limang katao ang naaresto ng mga operatiba ng Jose Panganiban Municipal Police Station matapos ang isinagawang entrapment at hot pursuit operation kaugnay ng kasong robbery extortion, gabi ng Setyembre 23, 2025.
Ayon sa report, bandang alas-11:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Jose Panganiban MPS mula sa isang biktima hinggil sa ginawang pangingikil ng grupo ng mga indibidwal na nagpakilalang mga “media reporter.” Sapilitan umanong hiningan ng halagang ₱6,000.00 ang biktima kapalit ng hindi pagpapasara ng kanyang negosyo. Dahil sa takot, napilitan ang biktima na ibigay ang hinihinging pera.
Subalit bumalik umano ang mga suspek at humingi pa ng karagdagang halaga at dito ay agad nang inalrtong biktma ang kapulisan na nagsagawa ng entrapment operation sa pangunguna ni PMAJ NORWEN ABELIDA, Hepe ng Jose Panganiban MPS.
Naaresto ang isa sa mga suspek matapos tanggapin ang karagdagang ₱500.00 mula sa biktima subalit nakatunog ang mga kasama nito at agad na tumakas, mabilis na isinagawang hot pursuit operation ang Jose PNganian MPS at matagumpay ding naaresto ang apat pang sangkot sa Purok 7, Barangay Gumaus, Paracale, Camarines Norte.
Narekober mula sa mga suspek ang sumusunod na ebidensya:
Limang (5) piraso ng tig-₱1,000.00
Dalawang (2) piraso ng tig-₱500.00
— na kinilala bilang perang kinikilan mula sa biktima.
Bukod dito, nakumpiska rin ang ginamit na getaway vehicle ng grupo, isang (1) unit Mirage G4 GLX 1.2G CVT.
Nahaharap sa kasong robbery extorsion ang lima t kasalukuyang nakapiit sa Jose Panganiban detention cell.
Courtesy of CNPPO-PCADB

