Limang katao ang naaresto ng mga operatiba ng Jose Panganiban Municipal Police Station matapos ang isinagawang entrapment at hot pursuit operation kaugnay ng kasong robbery extortion, gabi ng Setyembre 23, 2025. Ayon sa report, bandang alas-11:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Jose Panganiban MPS mula sa isang biktima hinggil sa ginawang pangingikil […]

