Dayuhang nagpapanggap na Pilipino arestado ng Bureau of Immigration

DAET, Camarines Norte — Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang dayuhang nagpanggap bilang isang Pilipino sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay inaresto bilang tugon sa ipinalabas na kautuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tiyaking sumusunod sa mga umiiral na batas ang mga dayuhang naninirahan sa bansa.

Sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay inaresto ng BI Intelligence agent ang isang Chines National na kinilalang si Wu Zhishi, 45 taong gulang sa J Pimentel St Purok 3, Barangay V sa bayan ng Daet, Camarines Norte

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na si Wu ay gumagamit ng mga pekeng dokumentong inilbas ng gobyerno at nagpapakilalang Pilipino sa iba’t ibang transaksyon sa lugar.

Bago ang naturang pag-aresto ay nagpanggap bilang isang kustomer ang ahente ng BI at sinakatuparan ang pag-aresto noong umaga ng Hunyo 25. Ipinakita ni Wu ang isang expired na Retirees Visa Card at itinanggi ang paggamit ng pekeng pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.

Sa kabila nito may ilang ulat na natanggap ang awtoridad na gumamit umano ito ng pekeng Philippine ID para makakuha ng lisensiya ng baril.

Sa kasalukuyan siya ay nakakustudiya ng PAOCC at ang legal na kustodiya naman nito ay nananatili sa BI habang isinasagwaa ang mga proseso para sa kanyang deportation dahil sa paglabag sa mga batas ng imigrasyon sa Pilipinas.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ay nakakabahala umano ang patuloy na paggamit ng mga dayuhan sa pekeng dokumento na ginagamit sa anumang transaksiyon sa bansa.

Source: Bureau of Immigration,Republic of the Philippines)

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top