Embahada ng Pilipinas nakahanda sakaling manumpa sa kanilang opisina si Dating Pangulong Duterte bilang Mayor ng Davao City

Bukas ang embahada ng Pilipinas sa The Hague Netherlands na manumpa si Dating President Rodrigo Duterte bilang Mayor ng Davao City kung sakaling pumayag ang International Criminal Court na ito ay bumiyahe patungo sa kanilang tanggapan.

Ayon DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa kabila ng pagkakakulong niya sa The Hague ay hindi pa rin nawala ang pagka-Pilipino nito ay may karapatan pa rin siyang magawaran ng anumang assistance na maaring ilapit ng DFA.

Ayon pa rito ay maari umanong manumpa ang dating pangulo sa embahada ng Pilipinas dahil ito umano ay extention ng ating gobyerno yan ay kung papayaran ng ICC na pansamantalang makalabas ng kulungan upang manumpa bilang Mayor ng Davao City.

Magugunitang ang dating pangulo ay nanalo ng landslide sa katatapos na National and Local Election 2025 sa kabila ng pagkakadakip nito at pagkakakulong sa The Hague bago ang naturang halalan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top