LTO maghihigpit sa pag iissue ng lisensiya kasunod ng Road Safety Plan ng MMDA

Maghihigpit ang Land Transportation Office sa pag iissue ng lisensiya sa mga motorista kasunod namng paglunsad ng MMDA ng Road Safety Plan para sa mga nangyayaring aksidente sa kalsada.

Ayon kay LTO Executive Director Greg Pua Jma sisiguraduhin ng ahensiya na dadaan ang mga kumukuha ng lisensiya sa driver’s education at seminars.

Isa umano sa kanilang hihigpitan ang mga pagpaparehistro ng mga motorcycle dahil madalas itong nasasangkot sa mga aksidente sa kalsada kaya kinakailangan na dumaan sila sa masusing inspeksiyon upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Naniniwala kasi si Pua na ang mga aksidente sa daan ay nagmumula rin sa mechanical defect na maaaring maiwasan kung mahigpit at masusi ang pag-iissue ng lisensya sa mga motorista.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top