Aabot sa P6.793 Trilion ang nakatakdang ipanukalang National Budget ng Development Budget Coordination Commmittee (DBCC) ngayong taong 2026.
Ang naturang budget ay mas mataas ng 7.4 percent kumpara ngayong 2025 National Budget na nagkakahalaga ng P6.326 trillion at 22 percent ng gross domestic products ng bansa.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nakatanggap sila ng unang proposal na kung saan aabout ng P10.101 trillion peso subalit kailangan na magsagawa ng evaluation sa mga programa ang proyektong ipapatupad ng bansa.
Ayon pa dito nakatuon ang National Budget ngayong 2026 sa pagpapaunlad ng quality education, healthcare at workforce upskilling.
Patuloy din ang investment sa Build Better More Infrastructure Program at Digital Transformation.

