Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippines National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) upang matukoy ang nasa likod ng deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nag iendorso ng online trading platform.
Ayon kay PNP-ACG director Brig General Bernard Yang na nakipag-ugnayan na ang kanilang ahensiya sa iba’t ibang mga social media site.
Ipinakita nila ang mga digital footprint bilang ebidensiya para sa case filing.
Dagdag pa nito ay mayroon na silang nga kilalang mga individual na nasa likod ng paggawa ng mga deepfake videos kung saan ginagamit nila ang mga kilalang personalidad sa bansa katulad ng politiko, at mga sikat na artista.
Ayon pa sa PNP agad-agad nilang iniimbestigahan at sinasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga deepfake kung saan ina-aplayan nila ng mga cyber warrant.

