DPWH Catanduanes, Binulaga ng Bombo Threat

VIRAC, Catanduanes — Niyanig ng pangamba ang hanay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Catanduanes matapos makatanggap ng isang sulat na naglalaman ng umano’y bomb threat sa loob ng kanilang tanggapan sa Barangay San Isidro Village, Virac nitong Enero 14, 2026.

Ayon sa ulat, ang nasabing sulat ay naka-address sa Officer-in-Charge District Engineer ng DPWH Catanduanes at ipinadala sa pamamagitan ng postal mail. Ito ay natanggap noong Enero 12, 2026 ng Administrative Officer sa DPWH Administration Office. Nilalaman ng sulat ang isang banta hinggil sa umano’y pagkakaroon ng eksplosibong aparato sa loob ng DPWH compound, na nagdulot ng takot at pag-aalala sa mga empleyado.

Bandang alas-3:50 ng hapon noong Enero 14, agad na nakipag-ugnayan ang Virac Municipal Police Station (MPS) sa Provincial Operations Management Unit upang humiling ng deployment ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) at K9 units.

Isinagawa ng EOD, K9, at Virac MPS personnel ang masusing paneling at K9 sniffing operations sa apat na gusali sa loob ng DPWH compound sa Brgy. San Isidro Village. Natapos ang operasyon bandang alas-6:00 ng gabi sa parehong araw.

Sa kabila ng banta, negatibo ang naging resulta ng isinagawang inspeksyon at walang nakitang anumang eksplosibong bagay sa lugar.

Matapos ang insidente, pinayuhan ang pamunuan at mga kawani ng DPWH Catanduanes na higpitan pa ang kanilang mga security measures upang maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sulat at ang may kagagawan ng bomb threat.

📷 Virac MPS | Rey Boton

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top