Deped muling nagpaalala na mag-ingat sa fake videos na nagsasabing walang pasok

Muling nagpaalala ang Department of Education na maging mapagmatyag at wag maniniwala sa anumang announcement na inilalabas sa Social Media.

Ang naturang pahayag ay bunsod na rin sa kumakalat na video sa Social Media partikular sa Meta o Facebook na kung saan sinasabing walang pasok ngayong araw ng Lunes July 28, 2025 dahil sa State of the Nation Address.

Ayon sa Department of Education wala umano silang nilalabas na ganitong anunsiyo.

Sa kasalukuyan tanging ang Lungsod lamang ng Quezon ang nagsuspende ng kanilang klase sa pribado at pampublikong paaralan dahil sila ang direktang apektado ng State of the Nation Address na posibleng maging dahilan ng sobrang traffic.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top