Daet, Camarines Norte – Sa pamamagitan ng Public Employment Services Office ng Pamahalaang Panlalawigan sa tulong ng Department of Labor and Employment ay ipinamahagi ngayong araw December 10, 2025 sa harap ng kapitolyo ang umaabot sa 182 Food Cart na hiniling ng mga benepisaryo halos mag iisang taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni Acting Vice Governor Dennis Riel na sana ay ingatan at palaguin ng mga nakatanggap ng food cart at nakahanda sila sampu ng kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigam na magbigay pa ng karagdagang puhunan kung kinakailangan.
Si DOLE Provincial Director Eduardo P. Caño ay nagsabi na tuloy tuloy ang kanilang pagsisikap na mabigyan ng kabuhayan ang mga Camnorteño dahil sa nakikita nyang pagpupursige at suporta ng Pamahalaang Panlalawigan
Si Acting Governor Ascutia naman ay inerepresenta ni Sir JM Pasatiempo ay sinabi na ang kapitolyo ay lagi lang nasa likod ng mga pagsisikap para matugunan ang mga kahilingan at sana ay maunawaan ng mga kababayan ang kakapusan ng pundo at ang medyo matagal na proseso dahil sa sinisiguro na maayos ang pagasta ng pananalapi ng mga ahensya at ng kapitolyo.
Si PESO Head, Nida Tusoc naman ay natuwa sa tyaga ng mga benipisaryo sa paghihintay sa proyekto at naunawaan proseso ng pamahalaan at sinabi nmay mga ksunod pang programa dahil patuloy na nakasuporta ang DOLE sa kanila.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga tumanggap ng naturang food cart sa DOLE at sa Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Padilla Ascutia administration na inakalang hindi na nila ito matatanggap dahil halos isang taon na silang nag apply at nagsumite ng mga dokumento.
Sinabi naman ni Mam Sherly E. Palacio, program in charge na naging mabusisi umano ang kanilang tanggapan sa pagvalidate at ang regular procurement at accounting and auditing procedures ay talagang dapat sundin at ito ang dahilan nang pagkabalam subalit ito nga ay nagkaroon na ng katuparan ngayong araw.

