NBI Assistant Director Angelito Magno itinalaga bilang bagong Director ng NBI

Itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang si Assistant Director Angelito Magno bilang bagong Directot ng National Bureau of Investation (NBI) matapos magbitaw sa kanyang puwesto si dating Direktor Jaime Santiago.

Si Magno ay dating pinuno ng Information and Communication Technology Service (ICTS) ng NBI na kung saan siyang responsable sa mga teknolohikal na aspeto ng operasyon ng ahensiya.

Nagsimula rin sa mababang posisyon bilang line agent ng NBI kaya kabisado niya ang hamong kakaharapin pagdating sa mga field operations.

Kabilang rin siya sa mga High Profile Investigations katulad ng kaso ni Bamban Mayor Alice Guo noong siya ay nakaupo bilang Deputy Director for Investigation Services noong Agosyo 2024.

Ang pagkakatalaga kay Magno ay kasunod ng pagkumpirma ni Santiago na tinaggap ng pangulo ang kanyang irrevocable resignation o hindi mababawi pang pagbibitiw. Ayon sa kanya, inaasahang ilalabas ang opisyal na kautusan sa mga susunod na araw, at binigyang diin na magkakaroon ng bagong liderato sa ahensiya.


Nagpasalamat si Santiago sa mga kawani ng NBI sa kanilang suporta at dedikasyon sa panahon ng kanyang panunungkulan. Umaasa siyang ipagpapatuloy ng mga ito ang kanilang tapat na paglilingkod sa bayan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top