Reporma sa Bureau of Internal Revenue isasagawa upang mapanagot ang sangkot sa Flood Control Projects

Mariing inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Maros Jr. (PBBM) na magsasagawa ng reporma ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang managot ang mga sangkot sa iregularidad sa mga flood control projects.

Ayon sa Pangulo, bibigyang prayoriad at tututukan ang imbestigasyon laban sa mga individual o grupo na nakinabang sa kontrobersiyal na flood control projects at sisiguraduhin nitong mananagot ang lahat ng sangkot at walang sinuman ang dapat maging ligtas sa pananagutan.

Dagdag pa ng Pangulo, patuloy na ipaglalaban ng pamahalaan ang katarungan at patas na sistema ng pagbubuwis.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) pati na rin sa mga malalaking korporasyon na matapat na nagbabayad ng buwis, na sila ay tratuhin nang makatarungan at may pantay na pagtingin.

Ipinaliwanag din ng Pangulo na ililipat ng BIR ang pokus mula sa matinding auditing ng MSMEs at malalaking korporasyon tungo sa pagsusuri ng mga kuwestiyonableng proyekto na natukoy ng pamahalaan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top