Pinagplaplanuhan ng Office of the Ombudsman na gumamit ng Artificial Intelligence (AI) upang malababan ang lumalalang sitwasyon ng kurapsiyon sa bansa.
Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla ito umano ay bahagi ng digitalization na kung saan hihingi sila ng tulong sa mga eksperto upang makalikom ng mga impormasyon.
Ayon pa kay Remulla, mahalaga ito sa kanilang opisina sa dami ng mga dokumento at transaction ay kinakailangan na ng tulong ng AI.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pang mabuti ng ahensiya ang pagpapatupad nito sa tulong na rin ng mga experto kung paano ito magagamit ng tama.

