Mercedes, Camarines Norte – Patay ang isang lalaki sa kasagsagan ng thunderstorm sa bahagi Mercedes na lumikha ng mga pagkidlat kaninang dakong alas dos y media ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Aldrin Zamudio, nasa hustong gulang, taga Purok 1, Barangay Cayucyucan Mercedes Camarines Norte.
Ayon sa ulat ay nagsasakag o nanghuhuli ng hipon ang biktima sa bakawanan nang tamaan ng kidlat, agad naman umano itong na-isugod ng MDRRMO Mercedes sa hospital subalit ideneklara na itong dead on arrival.
Pinaalalalahanan ng Mdrrmo Mercedes ang mga mamamayan na mag ingat at maging alerto kung may thunderstorm at umiwas muna sa mga lugar na may tubig o binabaha.

