Installation Of Bicol Camarines Norte Bantayog Region and Induction of New Members Matagumpay

San Vicente, Camarines Norte — Isang makasaysayang pagtitipon ang isinagawa noong Sabado, Hulyo 26, 2025 sa San Vicente Convention Center para sa Installation of Bicol Camarines Norte Bantayog Region at Induction of New Members ng The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Inc., ang kauna-unahang Philippine-born socio-civic fraternal organization.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng National President na si Eagle Jason M. Masa, na nagsilbing panauhing pandangal at tagapagpanumpa ng mga bagong opisyal at kasapi. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang pangunahing adhikain ng organisasyon na “Service Through Strong Brotherhood” — isang panata ng pagkakaisa, pagkakawanggawa, at pagmamalasakit sa kapwa.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Mayor Bong Palma, ang bagong halal na alkalde ng San Vicente, Camarines Norte, bilang guest of honor at myembro. Ipinahayag niya ang kanyang suporta sa mga adhikain ng samahan, at hinikayat ang mas matibay na kooperasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga socio-civic groups upang mas mapalawak ang serbisyo sa komunidad.

Itinalaga at opisyal ding nanumpa bilang Regional Governor ng Bicol Camarines Norte Bantayog Region si Eagle Elmer Cezar A. Zaleta, na nangakong itataas ang antas ng serbisyo.

CHARTER OFFICERS – Bicol Camarines Norte Bantayog Region
The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Inc.

Governor
• Eagle Elmer Cezar A. Zaleta
Vice Governor
• Eagle Leonardo Edward G. Echano
Secretary
• Eagle Reggie O. Ibis
Assistant Secretary
• Eagle Heinrich G. Rabelas
Treasurer
• Eagle Jerry Wine R. Mora
Assistant Treasurer
• Eagle Kevin B. Villamonte
Auditor
• Eagle Wilbert M. Lalaque
Assistant Auditor
• Eagle Jonathan B. Favia
Regional Public Information Officer
• Eagle Bernardito I. Orias
• Eagle Dave Jose Español

REGIONAL PROTOCOL OFFICERS
• Eagle Allan Joy Z. Lee
• Eagle Senen B. Abando
• Eagle Dennis N. Quiros
• Eagle Omar G. Molina

REGIONAL PEACE OFFICERS
• Eagle Rodel C. Rosario
• Eagle Romel C. Sural
• Eagle Owen D. Abejero
• Eagle Dondel L. Sarion

Regional CARE Chairman
• Eagle Paulo Gabriel J. Ferrer

Regional COMELEC Chairman
• Eagle Leemark C. Ferrer

Regional Alalayang Agila Chairman
• Eagle Joselito M. Pasatiempo

REGIONAL TRIBUNAL / GRIEVANCE CHAIRMEN
• Eagle Rex E. Calandria
• Eagle Joefrey O. Toldanes
• Eagle Alex R. Apolinario, Jr.
• Eagle Marlon D. Crisostomo

REGIONAL MEMBERSHIP CHAIRMAN
• Eagle Angelo Jonas G. Angeles

NATIONAL ASSEMBLYMEN

  1. Eagle Franco G. Echano
  2. Eagle Marlon Charlie M. Banaria
  3. Eagle Christopher Joseph P. Dava

ALTERNATE NATIONAL ASSEMBLYMEN

  1. Eagle Erico O. Corpuz
  2. Eagle Rowel V. Badinas

CLUB PRESIDENT

Eagle Allan Joy Z. Lee
– President, Bantayog Eagles Club

Eagle Franco G. Echano
– President, Bantayog Mandaragit Eagles Club

Eagle Reggie O. Ibis
– President, Bantayog Three Legged Eagles Club

Eagle Mark Julius A. Litana
– President, Bantayog Lambdans Eagles Club

Eagle Jessica R. Adonis
– President, Bantayog Lady Eagles Club

Eagle Rowel V. Badinas
– President, Bantayog Sanlahi Eagles Club

Eagle Marjon L. Gallamaso
– President, Bantayog Elite Builders Eagles Club

Eagle Erico O. Corpuz
-President, Bantayog Bigkislahi Eagles Club

Ang aktibidad ay sinaksihan ng mga miyembro at panauhin mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan, at layunin nitong pagtibayin ang presensya ng samahan sa Camarines Norte bilang katuwang ng pamahalaan at komunidad sa mga programang pangkaunlaran, edukasyon, pangkalikasan, at pangkapayapaan.

Sa pagtatapos ng programa, tiniyak ng bagong pamunuan na higit pang paiigtingin ang mga makabuluhang inisyatiba at serbisyong nakatuon sa kabutihang panlahat, alinsunod sa mga prinsipyo ng pagkakapatiran, pagkakaisa, at tunay na bayanihan.

Loading spinner
Avatar photo
Maghahatid ng tamang impormasyon at serbisyo publiko

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top