Bilang ng nasawi dahil sa pagbaha sa bansang texas umakyat na sa 67

Umakyat na sa 67 katao ang bilang ng mga nasawi matapos ang matinding pagbaha sa texas kabilang dito ang 21 bata.

Sa panayam ay Larry Leitha, Sheriff ng Kerr County sa Texas Hill Country, na siyang sentro ng pagbaha, umabot sa 59 ang bilang ng nasawi sa kanilang lalawigan kabilang ang mga 21 kabataan.

11 dito ang batang babae at i sang camp counselor ang patuloy na nawawala mula sa isang summer camp malapit sa Guadalupe River na biglang umapaw matapos ang matinding ulan sa gitnang bahagi ng Texas nitong araw ng Biyernes, kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ng Estados Unidos.

Dagdag nito, mayrrong 18 na matatanda at apat na bata na hindi pa nakikilala sa Kerr Country at hindi rin makumpirma kung ang 22 kataong ito ay kasama sa bilang ng 59 na nasawi sa nasabing lugar.

Ayon sa mga opisyal noong Sabado, mahigit 850 katao ang nailigtas, kabilang ang ilan na kumakapit na lamang sa mga puno, matapos ang biglaang bagyo na nagbuhos ng hanggang 15 inches (38 cm) ng ulan sa rehiyon, humigit-kumulang 85 miles (140 km) northwest ng San Antonio.

Hindi pa tiyak kung ilang tao ang patuloy na nawawala sa lugar.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top