LGU sa Bayan ng Daet nagpalabas ng Abiso hinggil sa patuloy na pagbuhos ng ulan

Bagamat hindi direktang inihayag ng Local Government Unit sa bayan ng Daet, Camarines Norte ay pinaalalahana naman nito ang lahat ng School Heads na maari silang magsuspende ng klase depende sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Sa kabila nito pinaalalahan din ng MDRR Council ang lahat ng stakeholders na muling maging mapanuri at maging handa sa anumang posibleng mangyari dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan at sama ng panahon.

Maging ang BDRRM Committees ang inatasan nilang imonitor ang kanilang lugar lalo na sa mga barangay na bahain. Ayon pa dito kailangang nilang maghanda o kagad magpatupad ng gawain upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.

Ayon sa ulat ng PAG_ASA aabot sa 50-100 mm ang buhos ng ulan ang mararanasan sa lalawigan sa loob ng 48 oras na posibleng magdulot ng baha sa ilang bahagi ng bayan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top