Rank 8 Municipal Wanted Person, Timbog sa Manhunt Operation sa Mercedes

MERCEDES, CAMARINES NORTE β€” Isang 51-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons Rank No. 8 ng Mercedes, Camarines Norte, ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation nitong Setyembre 4, 2026, bandang alas-10:10 ng umaga sa Purok 1, Barangay V, Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas β€œKoko,” 51 taong gulang, na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness, paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code, sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 5, Daet, Camarines Norte, na may petsang Agosto 5, 2026. Ang kaso ay nakatala sa Criminal Case No. 35058 at may inirekomendang piyansa na β‚±80,000.00.

Pinangunahan ng Tracker Team ng Mercedes Municipal Police Station ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ ARTHUR S BORJA, ACOP, katuwang ang mga tauhan ng Camarines Norte Police Intelligence Unit, 1st Camarines Norte Provincial Mobile Force Company, at Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit (CNCIDG PFU).

Ayon sa ulat, matagumpay na natunton at naaresto ng pinagsanib na mga operatiba ang suspek matapos ang isinagawang manhunt operation.

Nasa pangangalaga na ng Mercedes MPS ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang proseso ng korte.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➑️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top