Pagkakaroon ng MSRP sa presyo ng bawang at sibuyas pinagplaplanuhan ng Department of Agriculture

Pinagplaplanuhan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa mga bawang at sibuyas.

Sa pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr layunin nitong maging stable ang presyo ng nasabing produkto.

Kapag maipatupad ang MSRP ay maiibsan ang pagtaas ng presyo ng sibuyas at bawang na resulta ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa kasalukuyan apektado ang agricultural sektos sa kaguluhan sa gitnang silangan dahil sa maaring madagdagan ang singil ng mga biyehero ganun din ang pagtaas ng mga fertilizers at mas mahal na feeds.

Ayon pa dito normal ang pagkakaroon ng pagtaas ng lima hanggang sampung porsiyento ang ilang produkto tuwing may nararanasang krisis.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top