Naitala sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Camarines Norte ang makatapos ng kolehiyo ang isang miyembro ng Manibe Indiginous Cultural Community.
Si Ms Laila Bana De Viana ay nagtapos sa Kursong Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education, Major in Food Service Management. ay kasapi ng Manide Indigenous Cultural Community sa lalawigan ng Camarines Norte at isa sa nakatanggap ng NCIP Educational Program.
Ayon sa NCIP-Camarines Norte, ang tagumpay ni De Viana ay hindi lamang para sa kanya o pamilya kundi maging sa boung miyembro ng mga katutubo sa lalwigan ng Camarines Norte at magsisilbing inspirasyon ito sa iba pang miyembro ng katutubo saan mang panig ng bansa.
Ang NCIP Camarines Norte ay patuloy sa pagsuporta sa Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/Ips) para sa pag-abot nila sa kanilang pangarap na makapagtapos rin sa pag-aaral, pagpapalakas ng kanilang kakayahan at sa makabuluhang pakikilahok sa pagbuo ng bansa.
source: NCIP Region V, Camarines Norte Provincial Office

