Itinalaga ng Palasyo Malakanyang ang June 23 bilang Special Non-Working Holiday sa boung lalawigan ng Palawan alinsunod sa RA 9748.
Kasabay nito ang pagdiriwang ng pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Palawan at kinikilala bilang Baragatan Festival.
Samantala ang mga empleyadong papasok sa trabaho tuwing Special Non-working Holiday ay makakakuha ng 30% na karagdagan ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang pagtratrabaho.
Samantala, Wala ring pasok sa Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa araw ng June 23 – 24 sa pampubliko at pribadong kompanya sa bisa ng kautusan ni Mayor Lem Faustino upang bigyang daan ang araw ng pagdiriwang ng taunang Libad Festival.
Itinalaga ring walang pasok ang bayan ng San Manuel sa lalawigan ng Isabela sa bisa ng Executive Order No. 13.2025 upang bigyang daan ang pagdiriwang ng 68th Araw ng San Manuel

