Pasisimulan na sa Mayo 7 ang pagpili ng bagong santo papa sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga cardinal ng Simbahang Katoliko sa isang sikretong conclave base sa mataas na opisyal ng Vatican nitong Lunes, Abril 28.
Ang naturang petsa ay base na rin sa napagkasunduan ng mga Cardinal sa unang pulong nito matapos ang libing ni Pope Francis noong Sabado. Asahan ang susunod na anunsiyo sa mga susunod na araw.
Aabot sa kabuuang 135 cardinal mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo – lahat ay nasa ilaliom ng edad 80 – ang may karapatang bumoto sa conclave upang italaga ang bagong pinuno ng Simbahang Katoliko na may 1.4 bilyong miyembro sa boung mundo.
Matatandaang noong 2005 at 2013 ay tumagal lamang ng dalawang araw bago napili ang susunod na santo papa.