Mga ebidensiya sa kasong crime against humanity laban sa dating pangulo ipinasa na sa ICC

Tuluyan ng ipinasa ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang pang-anim na batch ng mga ebidensiya sa kasong crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay bahagi ng pre-trial proceedings sa kaso ng dating Pangulo na may kaugnayan sa di-umanoy pagpatay sa ilalim ng madugong kampanya laban sa drugo sa panahon ng kanyang administrasyon.

Base sa record ng ICC umaabot na sa 267 items na ang naisumete ng prosekusyon mula ng simulan ang disclosure of evidense noong nakaraang Abril 30 at dalawang beses na ring hiniling na mga ito ang pagpapalawig sa itinakdang pagsusumite ng nasabing mga dokumento na inaprubahan naman ng ICC.

Layunin ng extension na ito na mabigyan ng pagkakataon ang prosekusyon na mai-apply ang standard redactions sa ilang mga materyales para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga testigo at matiyak ang kanilang kaligtasan.

Lahat naman ng mga materyales na isinumite ay magiging parte ng ebidensiya na gagamitin ng prosekusyon sa pagdinig ng kumpirmasyon ng kaso ng dating Pangulo na nakatakdang isagawa sa Setyembre 23, ng kasalukuyang taon.

Sa nakatakdang pagdinig, tutukuyin kung may sapat na ebidensiya para ipagpatuloy ang trial at kung sakali man na kumpirmahin ang mga kaso laban sa dating Pangulo, mahaharap si Duterte sa full trial sa ICC.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,โžก๏ธ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top