10 Milyong Halaga ng Iligal na droga nakumpiska ng Daet MPS

Umaabot sa 10 milyong halaga ng iligal na druga ang nasakumpiska ng kapulisan sa bayan ng Daet matapos ang Buy-bust operation ng pinagsanib puwersa ng CNPIU/PPDEU (Lead Unit) at Daet Municipal Police Station dakung 9:45 ng gabi niyong Hunyo 9, 2025 sa Food Park, Central Plaza Complex, Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Ang suspect ay nakilala sa alyas na “Gary” 58 taong gulang, binata at residente ng Barangay 667, Ermita Manila.

Ayon sa ulat, positibong nakabuli ang nakatalagang poseur buyer ng pakete ng hinihinalang shabu mua sa suspect, kaya’t kaagad itong inaresto ng kapulisan. Nakuha sa nasabing operasyon ang mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 10 milyong peso.

Ang naturang operasyon ay nasaksihan ng ilang opisyal ng Barangay, Media Representative kasama na diro ang pag imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensiya, Matapos ipaalam ang kanyang mga karapatan, dinala siya sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa kaukulang medikal na pagsusuri.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Daet MPS ang nahuling personahe para sa karampatang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Details/Photo from Daet PNP/CNPPO

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top