Kampanya upang maging Santo Papa si Cardinal Tagle ipinagbawal ng CBCP

Nanawagan ang simbahang katoliko sa mga mananampalataya na tigilan umano nito ang pangangampanya kay Luis Antonio Cardinal Tagle para siyang maging susunod na Santo Papa.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano posibleng maging negatibo ang maging tingin ng ibang lahi sakaling mapili si Tagle bilang kahalili ng Santo Papa.

Baka aniya isipin nila na ang conclave ay maiimpluwensiyahan mula sa ibang grupo.
Mahalaga na irespeto na lamang ang pagiging independent ng electors.

Magandang gawin aniya ngayon ay ipagdasal na lamang si Tagle at ang ibang mga cardinal-electors.

Ang 67-anyos na si Tagle kasi ay Pro-Prefect ng Dicasery for Evangelization.

Isa siya sa mga ‘papabili’ o contender na maging Santo Papa.

Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top