Mayor ng Rizal, Cagayan patay matapos pagbabarilin habang nangangampanya

Patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspect ang kasalukuyang alkalde ng Rizal lalawigan ng Cagayan na si Mayor Atty. Joel Ruma habang nagsasagawa ng kampanya sa Barangay Iluru Sur, Rizal.

Ayon sa kapulisan dakung alas-9 ng gabi nitong April 23, 2025 habang sila ay nangangampanya sa naturang barangay bigla na lamang itong pinagbabaril habang nagpipicture takeng kasama ang ilang residente at mga supporters nito.

Kasama sa nasawi ang dalawa pa nitong close aide.

Matapos ang naturang insedente ay kaagad naman itong itinakbo pinakamalapit na hospital upang bigyan ng pangunahing lunas subalit ideneklarang DOA o Dead On Arrival ng Doctor.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng mga operatiba sa paghahanap sa suspect at pinag-aaralan kung ito ay may kaugnayan sa pulitika.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top