60 Cardinals magtitipon tipon sa Synod hall para sa pagpili ng bagong Santo Papa

Matapos ang pagpanaw ng Santo Papa ay binuksan na ang unang General Congregation of College of Cardinals kung saan sinabayan ito ng taimtim na panalangin.

Umaabot sa 60 cardinal ang dumalo na nasabing pagtitipon sa Synod Hall kung saan sila ay nanumpa, alinsunod sa Universi Dominici Gregis, ang dokumentong nagtatakda ng mga patakaran sa panahon ng sede vacante at sa pag-elect ng bagong Santo Papa.

Sa pagtitipon ay binasa ni Cardinal Kevin Farrel, Camerlengo ng Simbahang Katolika ang huling habilin ni Pope Francis at napagdesisyonan din ng mga cardinal na ipagpaliban ang mga nakatakdang beatification rites hanggang sa makaupo ang bagong Santo Papa.

Ngayong April 26 araw ng Sabado ay itinakda ang paglilibing kay Pope Francis dakung alas 10 ng umaga. Bago nito ay ililipat muna ang kanyang labi sa St Peter Basilica sa Miyerkules, Abril 23, kung saan siya’s ilalagak upang bigyang pugay ng mga mananampalatayang Katoliko.

Ang misa ay magsisimula sa Linggo Abril 27 bilang bagi ng Novemdiales o siyam na araw na pagluluksa at magpapatuloy ang misa araw-araw tuwing alas-5 ng hapon.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang pamamahalaan ng tatlong cardinal ang pamamahala ng simbahan habang bakante ang puwesto ng santo papa. Nariyan sina Cardinals Pietro Parolin, Stanislaw Rylko at Fabio Baggio.

Back To Top