NBI nakahandang ipasa ang ebidensiya laban kay Vice President Sara Duterte

Nakahanda anumang oras ang National Bureau of Investigation na ipasa ang nakalap nilang ebidensiya laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa banta nito kay President Ferdinand Marcos Jr kasama sina First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago dapat umanong makadalo sa kanilang opisina ang bise presidente upang makuha ang kanilang panig para sa kaukulang imbestigasyon.

Sa panig naman ng bise presidente kailangan umano nitong iprioridad ang pagtungo sa imbestigasyon ng House of Representative kaysa sa imbestigasyon ng NBI.

Loading spinner
Back To Top