MAGARAO, CAMARINES SUR β Arestado ang isang 43-anyos na lalaki na may kinakaharap na kasong Frustrated Murder sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Zone 7, Brgy. Sta. Lucia, Magarao, Camarines Sur, dakong alas-7:00 ng gabi nitong Setyembre 4, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas βJay,β 43 taong gulang, may asawa, Isang welder, at kasalukuyang residente ng nasabing lugar. Siya ay tubong taga Brgy. San Nicolas, Talisay, Camarines Norte.
Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Talisay Municipal Police Station bilang lead unit, sa pangunguna ni PMAJ Reymund P Galero, ACOP, kasama ang mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, 503rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5), at Magarao MPS.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay alyas βJayβ na nahaharap sa kasong Frustrated Murder, docketed sa Criminal Case No. 12394, na inisyu noong Abril 17, 2013 ng Regional Trial Court, 5th Judicial Region, Branch 38, Daet, Camarines Norte, sa ilalim ni Hon. Roberto A. Escaro, Presiding Judge. May inirekomendang piyansa na β±200,000.00.
Ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan.
Ang naarestong indibidwal ay nasa kustodiya na ng mga arresting officer at dadalhin sa Talisay MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago ibalik sa korte na naglabas ng warrant.

