TERESA, RIZAL— Nasawi ang isang 30-anyos na ama matapos pagbabarilin malapit sa isang paaralan sa Barangay Prinza nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 16.
Ayon sa mga ulat, susunduin sana ng biktima ang anak nang mangyari ang insidente sa tapat mismo ng paaralan. Mabilis siyang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan pero idineklara ring dead on arrival.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang motibo at makilala ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa isang panawagan ng pamilya at ilang residente, “Kung sino man ang may kagagawan, sana ay sumuko na at harapin ang batas.”
Patuloy ang pag-iikot ng pulisya sa lugar at pagkalap ng CCTV footage at testimonya ng mga saksi.
Nakikiramay ang buong komunidad sa naulilang pamilya ng biktima.
source: Mike Farmers

