Mga Residente ng Barangay Salvacion, Daraga nagpahayag ng pangamba sa patuloy na pagdaloy ng lahar

Nagpahayag ng pangamba ang residente ng Barangay Salvacion, Daraga Albay matapos muling dumaloy ang lahar mula sa Bulkang Mayon dahil sa patuloy na pagbuhos ng Ulan.

Sa videong nakuha ng residente makikita ang tuloy tuloy na pagdaloy ng lahar sa Barangay Salvacion Daraga, Albay kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan nitong nakaraang araw, Hulyo 16, 2026. Ang naturang lahar ay dumaloy sa gully ng Barangay Salvacion na konektado naman sa Barangay Anoling ng bayan ng Camalig.

Bago nito ay nauna ng nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (PHILVOCS) na patuloy na mananatili ang banta ng lahar at sidement-laden streamflow sa mga komuniadad na nakapalig sa Mayon Volcano.

Gayunpaman ay patuloy na pinapayuhan ang mga residente na nasa paanan ng bulkan o malapit sa mga ilog at kanal na maging mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensiya upang maiwasan ang anumang pangunib dulot ng patuloy na pagdaloy ng lahar.

Panoorin ang Video sa ating FB Page

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,โžก๏ธ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top