MERCEDES, Camarines Norte – Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Mercedes Municipal Police Station ang isang matandang lalaki na matagal nang pinaghahanap ng batas sa isinagawang operasyon bandang alas-5:15 ng hapon noong Abril 11, 2026 sa Purok 2, Brgy. Gaboc ng nasabing bayan.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Boy,” 83 taong gulang, may asawa, walang hanapbuhay, at kasalukuyang residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang pag-aresto ng Tracker Team ng Mercedes MPS sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Arthur S Borja, ACOP, sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng Municipal Trial Court ng Mercedes, Camarines Norte.
Ang nasabing warrant ay kaugnay ng kasong Direct Assault, na may Criminal Case No. 4836 na may petsang Hulyo 18, 2000, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng Walong Libong Piso (PHP 8,000.00) para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Sa kasalukuyan, ang naarestong indibidwal ay nasa kustodiya na ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.
Source: CNPPO

