₱20,000 𝗦𝗥𝗜 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢 𝗦𝗔 2025—𝗣𝗜𝗡𝗜𝗥𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠!
Karagdagang pamasko na naman ang matatanggap ng mga empleyado ng pamahalaan matapos lagdaan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 40, na nagbibigay ng one-time Service Recognition Incentive (SRI) na hanggang ₱20,000 para sa kwalipikadong kawani sa 2025.
Sakop ng insentibong ito ang mga civilian personnel sa lahat ng sangay ng gobyerno, pati na rin ang mga nasa military at uniformed services.
Upang maging kwalipikado, dapat ay:
Nasa serbisyo pa hanggang Nobyembre 30, 2025
May hindi bababa sa apat na buwang satisfactory performance ngayong taon
(Pro-rated ang matatanggap ng may mas maikling serbisyo.)
Samantala, hindi kasama sa SRI ang mga consultants, job order (JO), contract of service (COS) workers, at iba pang walang employer-employee relationship sa gobyerno.
Maaari nang magsimula ang pagbabayad hindi mas maaga sa Disyembre 15, 2025 — sakto para sa holiday season at pangtawid sa mga gastusin sa pagtatapos ng taon.
Isang malaking tulong, isang malaking pasasalamat—at isang magandang balitang naghahatid ng pag-asa para sa mga lingkod-bayan!

