Tatlong magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ang matagumpay na ikinasa ng Camarines Norte Police Provincial Office sa mga bayan ng Vinzons, Paracale, at Labo nitong madaling araw ng Disyembre 7, 2025, na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na indibidwal na pawang kinikilalang sangkot sa ilegal na droga.
Dakong 12:55 AM, sa Purok 5, Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, naaresto ng Vinzons Municipal Police Station, katuwang ang PDEA Regional Office V, ang suspek na si alyas “Len”, 35 taong gulang, residente ng Daet.
Nabentahan ng suspek ang pulis na aktong poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu. Nasamsam sa kanya ang humigit-kumulang 0.7 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may halagang ₱4,760.00.
Dakong 2:10 AM naman nang maaresto sa Purok 6, Brgy. Bagumbayan, Paracale ang isang Street Level Individual na si alyas “Mario”, 44 taong gulang, matapos ang magkasanib na operasyon ng Paracale MPS, CNPDEU, CNPIU, 2nd PMFC, at PDEA ROV.
Nakuha mula sa suspek ang isang sachet na ibinenta sa poseur buyer at limang (5) pang assorted sachets ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng humigit-kumulang 7 gramo na may halagang ₱47,600.00.
Sa Bayan naman ng Labo, dakong 3:05 AM, nasakote ang suspek na si alyas “Ben” sa buy-bust operation ng Labo Municipal Police Station kasama ang PDEU, PIU, at 2nd PMFC at sa koordinasyon ng PDEA ROV.
Matagumpay na nakabili ang poseur buyer mula sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu at sa isinagawang body search, narekober mula dito ang isang ₱500 bill (buy-bust money) at isang itim na Skygo motorcycle na ginamit sa kanilang ilegal na aktibidad. Ang nakumpiskang droga ay tinatayang 0.025 gramo na may halagang ₱1,700.00.
Himas rehas ngayon ang mga suspects na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga nasabing himpilan ang mga naarestong suspek at sinampahan na ng mga kaukulang kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

