Tinanggal ng Senado ang halagang Php 6.793 trillion allocables sa panukalang pondo para sa 2026 sa kabila pa ng mga pagtutol dito ng kaniyang kasamahang senador. Ito ang kinumprma ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson dahil ito umano ay maituturing na bagong “pork barrel” dahil sa pinapahintulutan nito ang pagpopondo sa mga proyekto bago pa man matukoy ang mga ito.
Ayon pa dito, magbubukas ito ng pintan para sa pag-abuso gaya ng manipuladong bidding para sa mga kontrata na magbebenepisyo sa mga pinaburang individuals.
Maliban dito, kinumpirma rin ng mambabatas na tinanggal ng Senado ang ayuda at iba pang items na may political patronage mula sa mga item na popondohan ng unprogrammed funds.
Isiniwalat din ng Senador na nakatanggap ng impormasyon ang Majority bloc ng kapulungan na ilang mambabatas kabilang ang mga Senador ang nagpipilit sa kani-kanilang amendments sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) habang tinatalakay ito, bagamat naayos aniya ito nang maaprubahan na ng mga Senador ang budget bill sa ikalawang pagbasa nang wala ang allocables.
Nakatakda namang aprubahan sa ikatlong pagbasa ang naturang budget bill sa susunod na linggo.

