Ganap ng isang Tropical Depression ‘VERBENA” ang Low Pressure Area sa silangan ng Mindanao base sa ulan ng PAGASA sa Tropical Cyclone Bulletin No. 1 na inilabas ngayong umaga dakung 5:00AM.
Kaninang 4_00Am ito ay tinatayang nasa 330 Km silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte ang sentro ng bagyo. Dala nito ang Maximum Sustained winds na 45km/hr, pagbugsong 55 km/h, at kumikilos pakanluran sa bilis na 30 km/h. Umaabot hanggang 200 kilometro mula sa sentro ang sakop ng malalakas na hangin.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Masbate, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu (kabilang ang Bantayan at Camotes Islands), Bohol, hilagang Negros Occidental, hilagang Negros Oriental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Guimaras, Dinagat Islands, Surigao del Norte (kasama ang Siargao at Bucas Grande), hilagang Surigao del Sur, at hilagang Agusan del Norte.
Inaasahan ang malalakas na hangin sa loob ng 36 na oras na may minimal hanggang bahagyang epekto sa buhay at ari-arian.
Nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng malakas na pag-ulan, pagbaha, at landslide sa mga apektadong lugar, habang umiiral ang Gale Warning sa hilagang baybayin ng Northern Luzon at maalon hanggang napakaalong karagatan sa ilang bahagi ng bansa, na mapanganib sa paglalayag.
Batay sa track forecast, inaasahang tatawirin ng VERBENA ang northeastern Mindanao ngayong tanghali o hapon, dadaan sa Visayas at hilagang Palawan hanggang Miyerkules, Nobyembre 26, bago lumabas sa West Philippine Sea, kung saan maaari pa itong lumakas bilang tropical storm.

