SLI-Listed na Drug Personality, Arestado sa Buy-Bust Operation ng Basud PNP

Basud, Camarines Norte — Matagumpay na naaresto ng Basud Municipal Police Station ang isang SLI-listed na drug personality sa isinagawang intel-driven anti-illegal drugs operation dakong 3:29 PM ng Nobyembre 22, 2025 sa Purok 1, Brgy. Matnog, Basud, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si, alyas “Andoy”, 31 taong gulang, binata, construction worker, at residente ng Basud, Camarines Norte. Siya ay nasa (SLI/Listed) at agad na inaresto matapos ang matagumpay na transaksyon.

Ang operasyon ay isinagawa ng joint MDEU personnel ng Basud MPS, sa pangunguna ni PCPT MARK ANTHONY C. ARMEA, ACOP, katuwang ang mga tauhan ng CNPIU, PPDEU, at 503rd MC, RMFB5, at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office V. Nasamsam mula sa suspek ang apat (4) na maliliit na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 1 gramo at may tinatayang halaga na Php 6,800.00.

Isinagawa ang tamang proseso ng paghahanap, pagmamarka, pagkuha ng litrato, at imbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng suspek at ng mga mandatory witnesses. Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Investigator-On-Case (IOC) para sa wastong disposisyon.

Nanindigan ang Basud MPS sa patuloy at mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga tungo sa isang ligtas at maayos na komunidad.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top