Apat katao ang namatay matapos ang pananalasa ng bagyong #OpongPH sa Rehiyong Bicol batay sa ulat ng NDRRMC ngayong araw ng Biyernes September 26, 2025.
Tatlo sa naturang biktima ay mula naman sa probinsiya ng Masbate, Isa sa Masbate City, isa ang nabagsakan ng puno, isa ang namatay matapos mabagsakan ng poste at isa naman ang nahulugan ng debris.
Isa naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte sa bayan ng Mercedes ang tinamaan ng kidlat sa kalakasan ng ulan.
Ayon sa Gobernador ng Masbate, humihingi sila ng tulong para sa clearing operations sa mga pangunahing daan upang makagalaw ang essential services. Nanawagan din ang probinsyal na pamahalaan na agad mabuksan ang mga pantalan sakaling bumuti ang panahon upang makapasok ang ayuda mula mainland Bicol at iba pang lugar.

