Sa isinagawang halalan ng bagong mga opisyal ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) Bicol Chapter, para sa terminong 2025–2028, nitong ika-18 ng Setyembre 2025, sa Marison Hotel, Legazpi City ay nahalal si Mercedes Vice Mayor Jeana Yapyuco bilang Secretary General.
Sa pangunguna ng DILG Regional Office ay matagumpay na naisagawa ang halalan at ang mga bagong opisyal ng Vice Mayors’ League of the Philippines Bicol Chapter, ay ang mga sumusunod:
President: VM Eric Rodriguez (Pandan, Catanduanes)
Vice President: VM Ahrdail Baldo (Camalig, Albay)
Secretary General: VM Jeana Yapyuco (Mercedes, Camarines Norte)
Treasurer: VM Edsel Dimaiwat (Iriga City, Camarines Sur)
Auditor: VM Celso Lao Jr. (Pilar, Sorsogon)
PRO: VM Charmax Jan Yuson (Batuan, Masbate)
Board of Directors:
- VM Atty. Gerard Ponon (Nabua, Camarines Sur)
- VM Luis Gutierrez (Legazpi City, Albay)
- VM Jemuel Surtida (Virac, Catanduanes)
- VM Casimero Padilla (Jose Panganiban, Camarines Norte)
- VM Michael Guysayko (Bulusan, Sorsogon)
- VM Fernando Mogueis (San Fernando, Masbate)
Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong mga halal opisyal sa harap ni DILG Bicol Regional Director Atty. Arnaldo E. Escober Jr., CESO III, na nagsilbing Tagapangulo ng Regional COMELEC, na sinaksihan naman ng National President ng Vice Mayors League of the Philippines na si Vice Mayor Maynard Francis R. Bumanglag ng Pinili, Ilocos Norte.
Umaasa ang DILG Bicol na magsisilbing katuwang ang VMLP Bicol sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala.

