Mariing itinanggi ng Department of Agriculture (DA) – Cordillera ang kumakalat na video na nagsaabing may formalin ang Baguio-grown Sayote na ibinabahagi sa mga pamilihan sa boung bansa.
Nilinaw ng DA na walang formalin o anumang mapanganib na kemikal ang ginagamit sa nasabing gulay. Ang matagal nitong shelf life ay likas na dulot umano ng malamig na klima at matabang lupa ng rehiyon.
Ayon pa dito tumatagal hanggang isang buwan ang bagong ani na sayote kahit ito ay hindi nakalagay sa ref dahil likaw sa kondisyon sa Cordillera tulad ng mataas na lugar at sapat na ulan.
Hinikayat din ng DA ang publiko na patuloy na suportahan ang mga lokal na magsasaka at maging mapanuri sa impormasyong kumakalat online.

