SM City Daet Muli na namang lalahok sa International Coastal Clean Up ngayong September

Nag umpisa na ang SM City Daet maging ang iba pang mga SM Malls sa buong bansa na malalapit sa dalampasigan sa pangangalap ng mga volunteers na lalahok sa taunang International Coast Clean Up Day na nakatakda ngayong September 20.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong makiisa sa paglilinis ng tabing dagat sa buong mundo at dito sa lalawigan ay sa bahagi ng bagasbas isasagawa sa ganap na alas syete ng umaga.

Ang lahat na gustong magvolunteer ay hinihikayat ng pamunuan ng SM City na magpatala sa pamamagitan ng pag scan sa QR Codes, inaasahang mas malaki ang bilang nang sasali ngayong taon kesa sa mga International Coastal Cleanup Day noong nakaraang taon dahil na rin sa mas marami na ang mga taong concern sa kapaligiran dahil sa mga sunod sunod na pagbaha sa ibat ibang lugar sa bansa.

Volunteer now: scan the QR code to register

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top