Umani ng iba’t ibang reaction ang mga mamamayan dahil sa hindi pagbanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa isinagawang State of the Nation Address (SONA) ukol sa paglaban sa Online Gambling.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castry hindi umano dapat padalos-dalos ang Pangulo kaya pinag-aralan niyang mabuti ang panukalang tuluyang pagbabawal sa mga online gambling sa bansa.
Ayon pa dito malaki umano ang tulong nito sa mamamayan dahil ang kinikita nito ay nakukuha ng gobyerno mula sa mga lisensiyadong online gambling sites.
Inihalimbawa pa ni Castro ang ginawang pagbabawal noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng online sabong subalit namayagpag pa rin ang mga iligal site na online sabong.
Magugunitang may ilang panukalang batas na ang inihain sa senado at ilang mga grupo na rin maging ang simbahan ang nanawagan ng tuluyang tanggalin dapat ang online gambling dahil sa maraming buhay na ang nasira dahil sa pagkalulon dito.

