Camarines Norte left Bicol Region, Ito ang pabirong post ng ilang netizen sa lalawigan ng Camarines Norte matapos ipalabas ng Department of Interior ang Local Government ang mga probinsiya na suspendido ang klase dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng Southeast Moonson at sa bagyong parating.
Lima sa probinsiya ng Bicol Region ang suspendido ang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan at maging ang mga opisina ng gobyerno. HIndi kabilang sa suspension ang mga pribadong kumpanya at bahala na umano ang management nito kung sila ay magkakaroon ng suspension sa kanilang mga trabaho.
Narito ang listahan ng mga probinsiyang walang pasok
1. Ilocos Norte
2. Ilocos Sur
3. Abra
4. La Union
5. Benguet
6. Pangasinan
7. Tarlac
8. Nueva Ecija
9. Zambales
10. Bulacan
11. Bataan
12. NCR
13. Laguna
14. Rizal
15. Batangas
16. Quezon
17. Marinduque
18. Camarines Sur
19. Albay
20. Catanduanes
21. Sorsogon
22. Masbate
23. Romblon
24. Oriental Mindoro
25. Occidental Mindoro
26. Palawan
27. Antique
28. Negros occidental
29. Guimaras
30. Cavite
Ang suspension ng klase ay ginawa ng DILG matapos itong bigyan ng pahintulot ng Pangulo na maari silang magsuspende ng klase o trabaho base na rin sa sitwasyon sa isang lugar o probinsiya.

