Mariing itinanggi ni Senador Mark Villar na siya ay may koneksiyon a pagdami ng joint venture agreements ng Primewater Infrastructur Corporation noong siya ay naging kalihim ng Department of Public Works and Highway.
Ayon pa dito wala siyang direktang o hindi direktang pagmamay-ari sa Primewayer na kilala sa pagmamay-ari ng pamilyang Villar.
Noong panahon siya ay nasa panunungkulan inilahad nito na hindi siya lumahok sa anumang paraan o kapasidad ng transaksiyon sa pagitan ng Primewater at alinman sa mga katuwang nitong distrito.
Nakafocus lamang aniya siya sa pagpapatupad ng mga imprastrukturang pangkumunidad.
Ang naturang pahayag ay dulot na rin sa pagsiwalat ng Malakanyang na dumami ang kasunduan ng Primewater sa mga water districts noong 2019 sa panahon nasa pamamahala pa ng DPWH ang mga LWUA.

