Mahaharap sa kasong attempted robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coercion, incriminating against innocent persons at slander ang mga taong nagdawit sa pangalan ni Charlie Atong sa pagkawala ng 24 na sabungero ilang buwan na ang nakakaraan.
Ayon sa kampo ng negosyante ihahain nila ngayong araw sa Office of Mandaluyong City Prosecutor Arthur Magpantay ang kaso laban kina Julie “Dondon” Patidongan at Alan Bantiles, Alias Brown dahil sa pagkakadawit nito sa pangalan ng negosyante.
Ayon pa dito gumawa umano ang dalawa ng mga kuwento para sirain ang pagkatao ng negosyante at patuloy din silang nananawagan sa publiko na huwag ikalat ang maling impormasyon ng walang anumang ebidensiya.
Matatandaang ibinunyag ng isang alyas totoy, isa sa mga anim na guwardiya sa Manila Arena at ngayon ay state witness na patay na ang mga sabungero kung saan sila ay tinalian bago itapon umano sa Taal Lake.

