Benteng Bigas nakarating na sa lalawigan ng Camarines Norte

Nakarating na sa lalawigan ng Camarines Norte ang murang bigas na nagkakahalaga ng bente pesos na siyang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. Una ng nabenepisyuhan nito ang 300 small-scale miner sa Brgy Malaya ng bayan ng Labo na kung saan nakabili sila ng tig-sampung kilo.

Ito ang inulunsad sa lalawigan noong Hunyo 27, 2025 at pinangunahan ng DOLE Bicol katuwang ang DA, NFA at LGU Camarines Norte bilang tugon sa patuloy na pagtaas na presyo ng bilihin at kakulangan ng pagkain sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

Ayon kay DOLE Bicol RD Imelda F. Gatinao ito ay hindi lamang bigas kundi dignidad, ginhawa at seguridad para sa mga mamamayan.

Patuloy ang panawagan ng mga benepisyaryo na maipagpatuloy at mapalawak ang programa para sa iba pang pamilyang nangangailangan.

SOURCE/📸 DOLE Bicol

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top