Camarines Norte Governor Ricarte “Dong” Padilla tahimik pa rin sa kaila ng suspensiyong ipinataw ng ombudsman sa kanya

Ilang araw bago muling umupo si Camarines Norte Governor Ricarte “Dong” Padilla ay lumabas ang dalawang suspensyon order laban sa kanya ng Tanggapan ng Ombudsman, una ay ang isang taong suspensyon sa isang kaso na may kaugnayan sa pagtalaga nito kay dating Mayor Senando Jalgalado bilang volunteer worker na tagapamuno ng GSAG o Governor’s Special Action Group at kalahating taon naman sa pagtalaga nya kay Jorge Dayaon bilang volunteer broadcaster sa Radyo Pilipinas na pinatatakbo ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nanatiling tahimik ang governador at hindi pa nagpapalabas ng anumang komento o pahayag hinggil sa isyu subalit tiniyak nang kanyang mga legal advisers na ginagawa nila ang lahat ng legal remedies upang mabaliktad o mapaikli ang suspensyon dahil para sa kanila ay lubhang mabigat ang naging parusa sa kabila nang katotohanang wala naman umanong naging masamang epekto ang pagtatalaga sa mga boluntaryong manggagawa sa pamahalaan bagkos ay probinsya pa nga ang nakinabang dito dahil wala namang nasayang o nawalang pundo.

Nahatulan si Governor Padilla dahil sa kasong Simple Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, at Conduct Unbecoming of a Public Official na ang parusa ay pagkawala nya sa pwesto nang kalahati nang kanyang ikalawang termino bilang gobernador na kung saan nakakuha sya nang pinakamalaking lamang sa kanyang nakatunggali nitong nakaraang halalan.

Ilang araw ding naitalaga si BM Con Con Panotes bilang gobernador dahil si Vice Governor Joseoh Ascutia naman hinatulan din ng isang buwang suspensyon sa kaugnay ding kaso.

Si Senior Board Member Dennis Riel ang maitatalagang Acting Governor ng Camarines Norte simula ngayong Martes, July 1, 2025

Sa FB post ni BM Riel ay kanyang ipinakita ang kanilang masayang pagkikita ni Governor Padilla at hiningi na nya umano ang mga payo nito para sa kanyang pansamantalang pag upo bilang gobernador.

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top