Russian Vlogger na nambastos sa Pinoy balik kulungan sa BI Holding Facility

Balik kulungan na ang Russian vlogger Zdorovetskiy na nangharass ng isang guard at ilang tao sa Bonifacio GLobal City na naging dahilan upang siya ay arestuhin ng mga operatiba ng kapulisan.

Si Russian Vlogger Vitaly Zdorovetskiy ang nasa pangangalaga na ngayon ng Bureau of Immigration Holding Facility matapos magpiyansa sa kasong unjust vexation sa Taguig.

Si Zdorovetskiy ay kilalang youtube vlogger na kadalasang gumagawa ng mga prank videos na naging biktima ang ilang empleyado at customer sa BGC at siya’y ideneklarang undesirable alient.

Noong Hunyo 11, inilipat siya sa BJMP para harapin ang kanyang kaso sa Taguig RTC Branct 153 ngunit matapos magpiyansa ay ibinalik siya sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, kahit siya ay nakapagpiyansa ay mananatili pa rin siyang nakakulong at hindi puwedeng umala at kailangang tapusin ang kaso nito bago ang deportation,

Si Zdorovetskiy ay nahaharap sa tatlong kaso ng unjust vexation at posibleng makulong nang hanggang 18 buwan kung mapatunayang guilty.

Ayon sa DILG, hindi siya maaring ideport dahil tumanggi umano ang bansang Russia at US na siyay tanggapin Lumbas din sa isang petisyon ang isinagawa nitong pambabastos sa isang surfing instructo sa Boracay.

Ayon sa abogado ni Zdoroverskiy nakahanda umano humingi ng tawad ang naturang vlogger sa mga biktima nito sakaling siyay mapalaya.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top