Pagkawala ng 34 na sabungero apat na taong ng nakalipas nagkaroon ng kasagutan

Nagkaroon na ng kasagutan ang misteryosong pagkawala ng 34 na sabungero apat na taon ng nakakaraan matapos ibunyag ng isang alyas totoy na pinay at inilibing umano ang bangkay ng mga biktima sa taal lake.

Ayon pa dito ay pinatay ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang wire. Nilinaw din nito na ang lahat ng sabungero ay nahuling nandaya sa larong sabong.

Matapos ang mahabang panahong pananahimik at pagtatago ay nagdesisyon ang suspect na magsalita at nangakong ibubunyag ang tunay na utak sa naturang pagpatay.

Ayon pa rito ay ilang drug lord din ang kasamang inilibing sa Taal lake

Matatandaang anim na security guard na kabila sa mga nawawala ay kinilalang sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayos, Johnry Consolacion at Roberto Matillano Jr.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice at Philippine National Police para sa paglilitis ng kaso ng suspect at malaman na rin kung sino ang utak ng pagpapapatay sa mga sabungero.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top