Aabot sa isang milyong sim cards ang ipapamamahagi ng gobyerno sa mga guro at mag-aaral mula sa liblib na lugar ng bansa upang matugunan at magkaroon ng mas maraming internet connectivity.
Ayon kay Information and Communication Technology (DICT) Undersecretary Paul Joseph Mercado ito ay nakapaloob sa Bayanihan SIM Project.
Ang simcard ay naglalaman ng 25 Gigabytes Subscription na agad na magagamit ng mga guro at mag-aaral para sa kanilang klase.
Ayon pa dito, tuloy-tuloy ang ginagawang nilang pagpapatayo ng mga cellular towers sa mga liblib na lugar o ang Geographically Isolated And Disadvantage Areas (GIDAs)
Ang pamamahagi ng naturang simcard ay isasagawa bago ang pasisimula ng third quarter.


Kumusta naman yung simcard na ipinamigay ng Deped at ng NEAP sa mga kaguruan… Hindi naman nasustain tapos ito na naman.. aksaya lang sa pundo ng gobyerno